-- Advertisements --
image 381

Hindi bababa sa 24 katao ang namatay matapos maaksidente ang isang bus na may lulan na 60 pasahero sa northwestern, Peru.

Kabilang sa mga nasawi ang hindi kilalang Haitians, sa isang bangin sa hilagang-kanluran ng Peru.

Ang bus na kabilang sa Qorianka Tours Company ay patungo sa Tumbes galing Lima.

Ayon sa pulisya, ang aksidente ay naganap sa isang spot na kung tawagin ay “Devil’s Curve.”

Samantala, hindi pa matukoy ng mga otoridad ang dahilan ng aksidente dahil nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.

Ilan sa mga nasugatang pasahero ay dinala sa mga ospital sa El Alto at Mancora.

Ayon sa Pulisya, ilan sa mga pasahero ay nanggaling pa umano sa Haiti.