-- Advertisements --
image 282

Umangat pa ang bilang ng mga namatay sa naganap na lindol sa Indonesia.

Ang 5.6 magnitude na lindol na tumama sa West Java town na nagpabagsak ng ilang gusali at kumitil sa ilang residente ng lugar dahil sa pag-guho na nag-trigger rin landslide.

Nag-iwan rin ng damage o pagkasira sa mahigit 62,000 na kabahayan at mahigit 73,000-katao at hindi bababa sa 325 na pwersahang nag evacuate dahil sa lindol.

Sa ngayon, nagpupulong na ang ilang awtoridad ng pamahalaan ng indonesia kung dapat pa bang i-extend o palawigin pa ang emergency response period na lampas sa ika-14 na araw dahil sa pangyayari.

Balik operasyon naman ang mga rescuers sa araw ng lunes sa ilang mga areas na hindi pa napupuntahan

Samantala, ang lindol o pagyanig ang maituturing na pinaka nakamamatay sa archipelago nation mula noong 2018 na lindol at nagresulta ng tsunami na pumatay sa mahigit 4,000 katao sa isla ng Sulawesi.