-- Advertisements --
Tumaas ang bilang ng mga namatay sa magnitude 6.8 na lindol na tumama sa ilang bahagi ng southern Mindanao matapos na marekober ng mga awtoridad ang bangkay ng isang mag-ina sa Glan, Sarangani province.
Umabot na sa lima ang bilang ng mga nasawi sa Sarangani, isa sa bayan ng Malapatan at apat sa bayan ng Glan.
Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ngayong Linggo ng hapon na 8 katao ang pinangangambahang namatay at 23 ang nasugatan sa matinding lindol noong Biyernes.
Dagdag pa ng NDRRMC, napinsala ng lindol ang mahigit isandaang imprastraktura, kabilang ang mga bahay sa Sarangani at mga karatig lalawigan nito at naapektuhan ang 180 pamilya o 1,509 indibidwal.