Umakyat na sa 6 katao ang nasawi sa Mindanao regions dulot ng malalakas na pag-ulan dala ng southwest monsoon o habagat, batay yan sa pinakabagong datos ng National Disaster Risk Reduction ang Management Council (NDRRMC).
Sa ulat ng NDRRMC, 4 ang namatay sa Barangay Pamucutan, Zamboanga City kasunod ng pagbaha ng putik na inanod ang mga kabahayan patungong ilog noong July 12.
Nasa 131,388 na pamilya o 636,110 katao ang apektado ng malakas na pag-ulan sa Mindanao, pati na rin sa Mimaropa at Central Vosayas regions, na sinalanta rin ng Bagyong Butchoy.
Sa naturang bilang, 5,459 pamilya o 22,388 katao ang naninirahan ngayon sa 52 evacuation centers.
Nito lamang Sabado, hindi bababa sa 13 na kalsada at isang tulay ang hindi madaanan dahil sa pinsala sa ilang parte ng Zamboannga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, at BARMM.