VIGAN CITY – Aabot na sa pito ang bilang ng mga nasawi sa nangyaring sagupaan sa pagitan ng mga kasapi ng Kilusang Larangang Guerilla South Ilocos Sur at mga tropa ng militar sa Brgy. Suagayan, Sta. Lucia, Ilocos Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Major Rogelio Dumbrique ng 81ST Infantry Battalion, lima sa mga kasapi ng KLG-SIS ang namatay at isa sa mga sundalo.
Isa ring sibilyan na taga Parioc, Primero, Candon City na maniningil lamang sana sa kanyang mga pautang ngunit nabaril-patay ito ng mga kasapi ng terorista dahil inakala nilang kasapi ng mga militar.
Gayunman, sugatan din ang limang sundalong nakipagbakbakan sa mga teroristang grupo na ngayon ay kasalukuyan nang nagpapagaling sa ospital.
Patuloy ang pagpapaabot ng impormasyon ng mga otoridad sa pamilya ng sundalong nasawi at inaasahang mabibigyan ito ng pabuya bilang pagkilala sa kanyang sakripisyo.
Maliban dyan, nagpaalala si Dumbrique sa publiko na agad nilang ipaalam sa mga kinauukulan kung may mga napapansin silang terorista sa kanilang nasasakupan.