Nagpalaya ang Bureau of Corrections (BuCor) ng 1,058 na mga kwalipikadong Persons Deprived of Liberty (PDLs) mula noong Marso 1 hanggang nitong Marso 31 ng taong kasalukuyan.
Umabot na sa kabuuang 20,629 na mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) ang napalaya ng Bureau of Corrections (BuCor) sa ilalim ng administrasyong Marcos.
Batay sa BuCor, 188 ang nagdagdag sa kabuuang bilang ng mga napalayang PDL ngayong araw.
Binigyang-diin naman ni Justice Undersecretary Deo Marco ang kahalagahan ng pagbibigay ng pangalawang pagkakataon, para sa mga PDLs at hinihikayat ang mga bagong pinalaya na muling buuin ang kanilang buhay at magsikap para sa kanilang buhay.
Tinukoy din niya ang pangangailangan na malampasan ang stigma ng lipunan, at hinikayat ang mga PDL na magpokus sa kanilang hinaharap at gawing kapi-pakinabang ang binigay na second chances, sa kabila ng mga natamo nilang mga pagsubok.