Bumaba ang bilang ng mga namamatay na drug suspek sa mga operasyon ng PNP kontra iligal na droga.
Ayon kay PNP Spokesperson SSupt Benigno Durana ang pagbaba ng bilang ng mga nanlaban sa operasyon at dahil sa tulong at pakikiisa ng komunidad sa kanilang war on drugs campaign.
Batay sa datos ng PNP sa bawat 100 anti drug operations na ikinasa ng PNP lima dito ang namamatay.
Pero nito lamang na mga nakalipas na linggo mula sa lima, isa na lamang na drug suspek ang namamatay.
” Yung pag enhance ng strategy natin from double barrel to enhanced double barrel based on our data before 100 police operations resulted to 5 deaths, now based on the latest data 100 operations only resulted to 1 death so meaning,” wika ni Durana.
Paliwanag ng opisyal kung mataas ang bilang ng mga namamatay noon ay dahil mismong mga sindikato ang nagpapatayan.
“Yung dati kasi napakataas dahil nakita natin sila din nagpapatayan, our criminal syndicates because of this intensified campaign there is paranoia within the crime syndicates that they are killing each other and to some we have this notion that even those within us scalawags,protector, to silence them but we studied from our past successes,” pahayag ni Durana.
Binigyang-diin ni Durana na maraming natutunan ang PNP sa kampanya nito laban sa iligal na droga sa loob ng dalawang taon.
Aniya, ang kanilang mga natutunan ay siyang naging susi para mas maging epektibo ang kanilang kampanya.