Pumalo na sa 4,279 na mga drug personalities ang naitalang napatay sa war on drugs campaign ng Duterte government habang 143,335 ang naaresto.
Sa presentayon ng Real Numbers sa Camp Crame, sinabi ng Philippine National Police kasama ang Presidential Communication Operations Office na mula July 1, 2016 hanggang May 15, 2018 ay umabot na sa 99, 485 ang naikasa na operasyon laban sa mga drug suspects.
Sa kabuuang bilang ng mga naaresto, nasa 506 dito ay mga government officials na sangkot sa iligal na droga.
Batay sa inilabas na datos ng Real numbers, sa dalawang taon ng kampanya, nasa 2,678 na ang kabuuang kilo ng shabu na nasabat ng pamahalaan na nagkakahalaga ng P20.77 Billion kasama na ang mga laboratory equipment.
Ang “Real Numbers†forum ay ang komprehensibong pag-uulat ng pamahalaan ng mga tunay na statistika sa war on drugs kung saan dito pinag-sama sama ang lahat ng datos ng mga ahensya ng gobyerno na katuwang ng PNP sa kampanya kontra droga tulad ng PDEA, Bureau of Customs at NBI.
Inilunsad ang Real Numbers forum noong isang taon sa gitna ng mga kumalat sa media na iba’t ibang bilang ng mga namatay sa war on drugs.
Layon ng forum na gawing mas transparent ang war on drugs ng pamahalaan at isulong Ang best practices sa pagpapatupad nito.
Alegasyon naman ng mga Human Rights Groups nasa 20,000 na mga indibidwal ang napapatay sa anti-illegal drug operations ng PNP.