Nadagdagan pa ang bilang ng mga indididwal na napaulat na nasawi sa Bicol region matapos na maramdaman ang matinding epekto ng Severe Tropical Storm Kristine.
Batay sa datos na inilabas ng Police Regional Office 5, pumalo na sa 26 na indibidwal ang naiulat na nasawi habang ito ay patuloy na biniberepika ng mga otoridad.
Maliban dito ay aabot rin sa tatlo katao ang nananatiling nawawala habang siyam na katao ang naitalang nasugatan.
Dahil sa bahang dulot ng bagyong Kristine , pumalo na sa 314,309 indibidwal katumbas ng 106,303 na pamilya ang nananatili sa mga evacuation areas .
Sa ngayon kasi, lubog pa rin sa baha ang aabot sa 586 barangay sa Bicol habang karamihan sa mga ito ay mula sa lalawigan ng Camarines Sur.
Patuloy naman ang rescue operation ng mga concerned agencies sa mga pamilyang na trap pa rin sa mataas na tubig baha.
Sa Naga City naman , nanguna mismo si dating Vice President Leni Robredo sa pamamahagi ng relief sa mga apektadong residente na kung saan ay lumusong pa ito sa baha kasama ang kanyang Angay Buhay team.
As of 8am ngayong araw, pumalo na sa mahigit 13.4 million worth of cash ang natanggap na donasyon ng Kaya Natin! Movement for Good Governance and Ethical Leadership simula ng ipinawagan ito ng dating bise presidente.