-- Advertisements --
Sumampa na sa walo ang biktima ng mga paputok sa lungsod ng Quezon mula sa dating apat na kaso.
Kalahati ng mga kasong ito ng fireworks-related injuries sa lungsod ay pawang mga bata na may edad 12 anyos pababa batay sa datos ng QC LGU.
Ang pitong biktima ay patuloy na nagpapagaling mula sa insidente habang ang isang biktima ay inilipat sa ibang hospital para masuri ng mga doktor.
Sa ngayon ay patuloy ang panawagan ng lokal na pamahalaan ng QC sa publiko na huwag nang tangkilikin o gumamit ng paputok.
Mas mainam rin aniya na gumamit na lamang ng mga alternatibong pampaingay katulad ng torotot, tambol, musika at iba pang bagay na lilikha ng maingay na tunog.