-- Advertisements --

Patuloy ang pagbaba ng bilang ng mga kaso ng fireworks-related injuries sa bansa mula pa noong 2017.

Ayon sa datus ng Department of Health (DOH) na mas bumilis pa ang pagbaba ng kaso noong 2020 at 2021 kung saan ipinatupad ang mas mahigpit na restrictions dahil sa COVID-19 pandemic.

Kung noong 2011 ay mayroong 64 na kaso ay mayroon lamang 29 na kaso ang naitala noong 2017 habang bumaba pa sa walong kaso noong 2020.

Pagsapit naman ng 2021 ay bahagyang umakyat ito sa 12 kung saan karamihan sa mga biktima ay nasabugan ng mga paputok.

Karamihan sa mga naitalang kaso ay mula sa National Capital Region na sinundan ng Western Visayas at Ilocos Region.

Magugunitang noong 2017 ng pagbawalan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang paggamit ng mga iba’t-ibang uri ng paputok sa mga residente.