Umakyat na sa 577 ang kabuuang kaso ng mga nasangkot sa aksidente sa kalsada sa bansa ito’y matapos maitala ng Department of Health (DOH) ang 33.5% na pagtaas nito kumpara noong nakaraang taon.
Ang naturang datos ay mula sa buwan ng Disyembre 22, 2024 hanggang Enero 2, 2025.
Kung saan anim na rito ang naitala ng ahensya na kabuuang bilang ng mga nasawi at apat dito ay mula sa motorcycle accident.
Kaugnay nito hindi naman bababa sa 500 na indibidwal ang involved sa mga road accident kagaya ng hindi pagsusuot ng mga helmet at seatbelt, 108 sa mga ito ay involved naman sa paginom ng alak, 415 naman ang related sa mga motorcycle accidents.
Sa kabila nito patuloy namang nagpaalala ang DOH na palagiang magsuot ng mga safety gears tulad ng helmet at seatbelt bago mag maneho.
‘Wag magmaneho ng lasing kapag nakainom at sundin ang mga traffic rules at road signage para sa ligtas na biyahe.