-- Advertisements --

Nadagdagan pa ang bilang ng mga naitalang nasawi at nawawalang indibiwal matapos ang nangyaring landslide sa Barangay Masara, Maco Davao de Oro.

Naganap ang naturang pagguho ng lupa noong nakaraang February 6 ng kasalukuyang taon.

Batay sa inilabas na datos ng 1001st Brigade kagabi, umakyat na sa labing isa ang kumpirmadong nasawi.

Pumalo na rin sa isang daan at isang indibidwal ang bilang ng mga nawawala at patuloy na pinaghahanap ng mga kinauukulan.

Patuloy naman ang pagtulong ng mga tropa ng militar partikular na ng 1001st Brigade sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa paghuhukay sa mga nawawalang biktima.

Kung maaalala, nagkaroon ng walang humpay na pag-ulan sa lalawigan dahil sa masamang lagay ng panahon simula pa noong nakaraang taon.

Ilang lugar pa rin sa lalawigan ang lubog pa rin sa baha.