-- Advertisements --

Umakyat na sa 175 katao ang kabuuang bilang ng mga nasawi matapos ang pananalasa ng nagdaang bagyong Agaton ayon sa latest situational report mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa naturang bilang, aabot sa 156 ang nasawi mula sa Eastern Visayas, 14 sa Western Visayas , 3 sa Davao Region at dalwang katao naman ang nasawi sa Central Visayas.

Sa ulat din ng NDRRMC, nananatiling missing ang nasa 110 katao bunsod pa rin ng hagupit ng bagyo.

Karamihan sa mga napaulat na 104 na nawawala ay mula sa Eastern Visayas, mayroon namang limang indibidwal ang napaulat na missing mula sa Western Visayas at isa sa Davao Region.

Bunsod nito, aabot na sa mahigit 2 million katao ang apektado ng bagyong Agaton mula sa mahigit 2,000 mga barangay.

Samantala, sa datos naman mula sa Department of Agriculture, pumapalo na sa P257,025,441 ang pinsala na iniwang pinsala ng bagyo sa sektor ng agrikultura habang nasa P6.9 million na sa sektor naman ng imprastrutura.