-- Advertisements --
Anim na panibagong nasawi dahil sa heat stroke ang naitala ng Department of Health dulot ng matinding init ng panahon.
Dahil dito, sumampa na sa 34 ang kabuuang kaso ng namatay dahil sa naturang heat-related illness na naitala ng ahensya mula Enero 1 ng kasalukuyang taon.
Ang bilang na ito ay mula sa Central Visayas, Ilocos Region, maging sa Soccsksargen.
Tiniyak naman ng DOH na sa kabila ng mga naitatalang kaso ng pagkakasawi ngayong taon ay nananatili pa rin itong mababa kumpara noong nakaraang taon.
Ito ay dahil umabot lamang ang kaso nito sa 513.
Pinaalalahanan rin ng ahensya ang publiko na iwasang magbilad sa ilalim ng araw upang maiwasan ang anumang epekto sa kalusugan ng mainit na panahon.