-- Advertisements --

Nadagdagan pa ang bilang ng mga naitatalang kaso ng mga nasawi dahil sa pertussis o ‘whooping cough’ sa Quezon City.

Batay sa datos ng QC Epidemiology and Disease Surveillance Division, umabot na sa sa anim ang bilang ng mga nasawi dahil sa naturang sakit hanggang noong April 5.

Sumampa na rin sa 41 ang kaso ng kaso ng pertussis sa buong lungsod .

Mula sa naturang bilang, 60% ng tinamaan nito ay mga sanggol na anim na buwan pababa.

Samantala, kinumpirma ng lokal na pamahalaan ng QC na sila ay nagpaabot na ng burial at financial assistance sa pamilya ng mga batang nasawi.

Pinagtibay na rin ng lungsod ang hakbang nito para maiwasan ang pagkalat ng naturang sakit.

Naglaan din ito ng P13M na halaga ng bakuna at antibiotics kontra sa pertussis.