Tumaas ang bilang ng mga namamatay dahil sa COVID-19 noong buwan ng Agosto ngayong taon.
Ayon sa Department of Health (DOH) nahigitan nito ang bilang noong buwan ng Abril. Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergerie na mayroong 4,816 katao na ang nasawi noong Agosto o mayroong average na 155 kada araw.
Noong Abril kasi ay mayroong 135 ang daily average ng itala ang 4,060 na ang nasawi.
Tumataas na ang bilang ng mga nasasawi sa huling linggo ng Hulyo hanggang sa kalagitnaan ng Agosto.
Naging mataas ang bilang nito sa Central Luzon, Calabarzon at Central Visayas.
Ganun pa may ay hindi pa itinuturing ng DOH na nagkakaroon na ng surge ang COVID-19 cases sa bansa na ang pinakamataas na naital ay noong Setyembre 11 na mayroong 26,331 na kaso sa loob ng isang araw.