Lumagpas na sa isang libo ang bilang ng mga nasawi dahil sa sakit na mpox, batay sa datus ng Africa Centers for Disease Control and Prevention (Africa CDC).
Sa nakalipas na lingo, nakapag-rehistro ang ilang mga African nation ng 50 bagong mortality. Dahil dito, sumampa na sa 1,100 katao ang bilang ng mga nasawi dahil sa naturang sakit.
Sa 18 African countries, umabot na sa 42,438 mpox cases ang naitala. Kabuuang 3,051 dito ay mga bagong kaso na nairecord lamang nitong nakalipas na lingo mula sa bansang Zimbabwe at Zambia.
Samantala, nananatiling may pinakamataas na kaso ng mpox ang Central African region na may kabuuang 86.4%
Ayon sa Africa CDC, patuloy pa rin ang paglobo ng kaso sa kabila ng nasimulan nang vaccination laban sa naturang sakit.
Hinigpitan na rin ng mga African authorities ang paglabas at pagpasok sa mga African nation upang mapigilan ang lalo pang paglawak ng kaso.