-- Advertisements --

TACLOBAN CITY — Lumobo na sa walo katao ang naitalang patay sa Eastern Visayas dahil sa paghagupit ng bagyong Ursula sa visperas ng Pasko, Disyembre 24.

Una rito, isang indibidwal ang naiulat na namatay sa Malitbog Southern Leyte at isang bata naman ang nasawi sa Baybay City matapos itong makuryente.

Isa katao din ang patay Cabucgayan, Biliran matapos matamaan ng sanga ng puno ng mangga.

Samantala, kinumpirma naman ni Von Torevillas, PDRRM Officer Samar Province, na isang nagngangalang Maria Jessica Torres binawian ng buhay matapos madaganan ng lumilipad na punong kahoy habang pauwi sa kanilang bahay sa Sta. Rita, Samar.

Maliban lang dito, naitala din ang tatlo kataong patay sa Guiuan, Eastern Samar at isa naman sa Balangkayan, Eastern Samar na hindi pa kasama sa official tally of fatalities ng Office of the Civil Defense (OCD ) Region 8 .