Patuloy pang nadadagdagan ang bilang ng mga indibidwal na kumpirmadong patay sa pananalasa ng bagyong Agaton sa Eastern Visayas region.
Sa isang pahayag ay kinumpirma ni Easter Visayas Regional Police spokesperson Colonel Ma. Bella Rentuaya na batay sa kanilang partial report ay umabot na sa 113 ang bilang ng mga nasawi nang dahil sa kalamidad.
Aniya, 86 dito ay mula sa lungsod ng Baybay, habang nanggaling naman sa bayan ng Abuyog sa Leyte ang 32 mga indibidwal na nasawi, at isa naman ang naitalang namatay sa bayan ng Motiong sa Samar.
Pagguho ng lupa nang dahil sa malakas na mga pag-ulan ang itinuturong dahilan ng pagkamatay ng mga residente sa Baybay at Abuyog matapos itong matabunan ng mga nawasak ng na mga gusali na dahil pa rin sa nangyaring sakuna.
Sa ngayon ay nasa 117 katao pa ang pinangangambahang nawawala sa Babay City, at nasa 128 na mga indibidwal naman sa Leyte.
Nasa 236 na mga indibidwal naman ang sugatan nang dahil sa bagyo, ayon sa mga awtoridad.
Samantala, ang nasabing datos na ito na naitala sa nasabing rehiyon ay ‘di hamak na mas mataas kumpara sa datos na nakalap ng National Disaster Risk Reduction and Management Councit (NDRRMC) kung saan ay nasa 76 mga indibidwal pa lamang ang mga naitatalang death toll nationwide nang dahil sa pananalasa ni “Agaton.”