-- Advertisements --

Umabot na sa 221 ang bilang ng mga nasawi sa gumuhong bubong ng isang nightclub sa Dominican Republic noong Martes, Abril 8, 2025, kabilang ang mahigit 500 iba pang nasugatan.

Ayon sa mga opisyal, nasa 500 hanggang 1,000 katao ang nasa loob ng club nang bumigay ang bubong habang tumutugtog ang sikat na mang-aawit na si Rubby Pérez, na nasawi sa insidente habang nakaligtas ang kanyang anak.

Pormal nang nagtapos ang rescue operations noong Miyerkules ng gabi, at ngayon ay nakatuon na sa pagbawi ng mga katawan at pagkakakilanlan ng mga biktima.

Kabilang sa mga nasawi ay ang gobernador ng Monte Cristi na si Nelsy Cruz at dating MLB players na sina Octavio Dotel at Tony Blanco. May mga banyagang nasawi rin mula Haiti, Italy, France, at Estados Unidos.

Habang inanunsyo ang tatlong araw na national mourning para sa mga biktima.

Naglabas naman ng pakikiramay sina holywood star Zoe Saldaña at Cardi B sa kanilang social media.

Samantala nangako ang pamahalaan na magtatatag sila ng isang imbestigasyon kasama ang mga lokal at international experts upang tukuyin ang sanhi ng trahedya.