Hindi bababa sa 179 katao ang tinatayang nasawi matapos bumagsak ang Jeju Air flight 7C2216 sa Muan International Airport sa South Korea nitong Linggo ng umaga, ayon sa ulat ng news agency na Yonhap ang insidente ay nangyari habang ang Jeju Air flight 181, ay nagsasagawa ng isang emergency landing na galing Bangkok na may may 181 na pasahero.
Sa ngayon, ang napaulat na nailigtas—isang pasahero at isang miyembro ng crew.
Ang Boeing 737-800, na naiulat na nagkaroon ng problema habang nakitang dumudulas sa runway nang walang nakikitang landing gear bago sumalpok sa pader bandang 9:03 a.m, oras sa South Korea.
Inilarawan naman ng mga saksi na narinig nila ang malalakas na putok bago ang pagbagsak ng eroplano sa pader ng paliparan, na naghudyat ng pagsabog at pagliyab nito. Hinala naman ng mga awtoridad na maaaring may nangyaring bird strike habang ang eroplano ay lalanding.
Patuloy ang mga emergency responders sa paghahanap ng mga labi, at kinumpirma ng mga awtoridad ang nailigtas na dalawang survivor mula sa tail section ng eroplano ay kasalukuyang nagpapagamot sa isang malapit na ospital.
Samantala, patuloy ang ginagawang pagsisikap ng mga awtoridad na mailabas ang mga labi na nasa loob pa ng naturang eroplano.
Ang malagim na aksidente ay nagmarka ng isang kalunos-lunos na milestone sa kasaysayan ng domestic civil aviation ng South Korea. Ito rin ang kauna-unahang fatal na insidente sa kasaysayan ng Jeju Air, isa sa pinakamalalaking low-cost carriers ng South Korea na itinatag noong 2005.