-- Advertisements --

Umabot na sa 11 ang bilang ng mga nasawi dulot ng matinding pagbaha sa Kentucky noong Lunes, at posibleng madagdagan pa ito habang patuloy na binabantayan ang banta ng isang snowstorm na maaaring magpahirap sa pagliligtas ng mga residente, ayon kay Governor Andy Beshear.

Ang flash flooding na nagsimula noong Sabado ay nakaapekto sa halos buong state ng Kentucky sa U.S. pati na rin sa mga karatig estado nito.

Higit sa 1,000 na rescue mission ang isinagawa ng mga search teams upang tulungan ang mga apektadong residente. Bukod sa mga nasawi, daan-daang tao ang nawalan ng tirahan, at mahigit 14,000 na mga tahanan at negosyo ang walang kuryente, habang 17,000 naman ang walang tubig.

Samantala, ipinadala na ang Kentucky National Guard upang mag asiste sa mga aviation crew mula sa Indiana at Tennessee, pati na rin ang mga federal urban search and rescue teams mula sa Ohio, Indiana, at Tennessee.

Ang ilang bahagi ng estado ay nakaranas ng higit sa 200 mm na ulan, at inaasahan pang makakaranas ang lugar ng hanggang150 mm na snow, kaya’t may pangamba na ang darating na snowstorm ay magpapahirap sa mga operasyon ng rescue at relief ng pamahalaan.

‘We are still in the search and rescue phase of this emergency. We still have multiple different missions that are underway. There are still people that are in harm’s way,’ pahayag ni Governor Beshear sa isang press conference.

Ayon pa sa kaniya nadagdagan umano ang bilang ng mga nasawi ng tatlo noong Lunes, oras sa amerika kaya’t umabot na ito sa 11. Siyam sa mga ito ay dulot ng pagbaha, habang dalawa ay mula sa mga aksidente sa kalsada.

Nagbigay naman ng babala ang gobernador na malayo pa ang epekto ng naturang snowstorm.

‘Power could be out for some considerable amount of time,’ ani Beshear. ‘There’s cold weather coming,’ dagdag nito.