Umakyat na sa apat na mga indibidwal ang nasawi nang dahil sa nagpapatuloy na malawakang pagbaha sa Dubai, United Arab Emirates nang dulot pa rin ng mga walang humpay na pag-ulan sa naturang lugar.
Sa ulat, kabilang sa mga biktimang hindi na nakaligtas pa sa naturang pagbaha ay isang lalaking Emirati na may edad na 70 taong gulang matapos na tangayin ng baha ang kaniyang sasakyan sa Northern Ras Al Khaimah emirate.
Habang una nang napaulat na mayroon tatlong Pinoy ang nasawi rin nang dahil sa nasabing kalamidad na kinilala namang Sina Danny Casipong, Jennie Gamboa, at Marjorie Saquing.
Si Casipong ay namatay matapos mahulog sa sinkhole, habang sina Gamboa at Saquing naman ay na-suffocate matapos na makalanghap ng maraming usok sa loob ng shuttle service na kanilang sinasakyan.
Kung maaalala, unang tumama ang bagyo sa Oman, UAE na kumitil naman sa buhay ng nasa 20 katao doon.
Samantala, sa ngayon ay nagpahayag na ng kahandaan ang Overseas Workers Welfare Administration na tulungan ang iba pa nating mga kababayan Overseas Filipino Worker na makabalik din sa ating bansa ngunit sa ngayon aniya ay wala pa namang nagboboluntaryo ukol dito.