-- Advertisements --

Tumaas pa sa 161 ang naitalang mga nasawi sa 7.5-magnitude na lindol sa Japan.

103 naman ang pinaghahanap pa rin mula sa nagtumbahang gusali sa nasabing pagyanig.

Pahirapan ang operasyon ng paghahanap dahil sa mga namumuong niyebe sa bansa, na sinabayan pa ng nasa 1,000 na landslide.

Tinatayang na 2,000 na residente naman sa mga liblib na lugar ang sinusubukan pang sagipin ng mga rescuers, sa kabila ng mga humaharang na lupa dulot ng pagguho.

Nagpakalat na rin ng mga helecopters, pulis, at mga bombero para sa mas mabiliang pagresponde sa mga liblib na lugar, ayon kay Japan Prime Minister Fumio Kishida.

Samantala, isang 90 aƱos na babae ang nasagip, limang araw matapos ang gumuho ang isang bahay sa Noto Peninsula.