-- Advertisements --
Ibinunyag ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na pumalo na sa mahigit 43,000 na mga sundalo nila ang nasawi.
Ang nasabing bilang ay mula pa noong sinimulan ng Russia ang matinding pag-atake mahigit dalawang taon na ang nakakaraan.
Dagdag pa nito na mayroon mahigit 37,000 na mga sundalo pa nito ang nasugatan na kasalukuyang nagpapagaling.
Naniniwala din ito na mayroong 198,000 na mga sundalo ng Russia ang nasawi at mahigit 550,000 ang sugatan.
Magugunitang dinagdagan ng Russia ang pag-recruit ng mga sundalo kung saan nagpadala pa ang North Korea ng mga sundalo nito para labanan ang Ukraine.