Inilahad ng Manila Electric Company na umabot na sa 865 ang bilang ng mga ninakaw na metro ng kuryente mula lamang Enero hanggang Mayo ng taong kasalukuyan.
Ayon din kay MERALCO Vice President for Corporate Communications Joe Zaldarriaga, nakatatanggap daw sila ng mga reklamo at iba’t ibang sumbong na ang nakukuhang kable ng kuryente ay ibinebenta online.
Dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang nito, patuloy silang nagbibigay ng babala sa publiko at maging sa mga magnanakaw ng metro ng kuryente na may kalalagyan sila dahil sa kanilang ginagawang pagnanakaw.
Sinabi rin ng power concessionaire na kung sakaling mahuli at mapatutunayang nagnakaw sila ng nasabing metro ay maaari silang maharap sa hanggang 12 taong pagkakakulong at may multang hindi bababa sa ₱50,000 hanggang ₱100,000