Nananatiling mababa ang bilang ng mga overseas Filipino workers na nagrehistro para makaboto sa nalalapit na 2025 Midterm Elections.
Target kasi ng Commission on Elections na makapagparehistro ng hanggang 1.486 million overseas voters para sa nalalapit na halalan.
Gayunpaman, sa kasalukuyan ay umaabot pa lamang sa 1.18 million ang nagparehistro, malayong mas mababa kumpara sa target ng komisyon.
Sa kabila nito, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na naiintindihan nila ang hirap ng mga overseas Filipinos na makapag rehistro dahil na rin sa kanilang trabaho habang ang iba ay posibleng naninirahan sa mga lugar na malayo sa registration sites.
Sa kasalukuyan ay tinatayang mayroong 15 million Filipinos ang naninirahan sa ibang mga bansa.
Ngayong taon, pinapayagan na ang internet voting para sa mga Pinoy workers sa ibang bansa. Gayunpaman, sinabi ng komisyon na kailangan munang mag pre-enroll ang mga rehistradong botante sa ibang bansa upang magamit nila ang naturang sistema.