Iniulat ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na halos bumalik na sa pre-COVID-19 pandemic level ang bilang ng mga overseas Filipino worker (OFWs) na uuwi sa bansa para sa Christmas vacation.
Sinabi ni OWWA Administrator Hans Cacdac na ito ay dahil sa pagbangon ng ekonomiya sa mga bansang pinanggalingan ng mga OFW, na nagreresulta sa pagkakaroon ng mga ito ng matatag na trabaho.
Aniya, halos “back to normal”na at “back to work” na rin ang mga OFW sa Dubai.
Inilista ng gobyerno ng Pilipinas ang 15 bansa sa ilalim ng red list o high risk sa ngayon dahil sa pagkakatuklas ng bagong coronavirus variant na Omicron.
Ibig sabihin, hindi papayagang makapasok sa Pilipinas ang mga umuuwi na Pilipino mula sa 15 bansang ito hanggang Disyembre 15 o siyam na araw bago ang Pasko.