Wala na ang bagyong Aghon sa bansa ngunit naiwan pa rin sa mga evacuation center ang ilang pamilya na naapektuhan nito.
Batay sa datos ng Department of Social Welfare and Development, pumapalo na lamang sa higit sa 1,400 pamilya na katumbas ng aabot sa 5,696 indibidwal ang namamalagi ngayon sa halos isang daan na mga itinalagang evacuation center.
Ayon sa ahensya, sa ngayon ay nabawasan na ito kumpara sa mga nagdaang araw.
Aabot naman sa limang kabahayan ang naitalang totally damaged dahil sa mga pag-ulang dinala ng bagyo.
Pumapalo naman sa 21 kabahayan ang naiulat na partially damaged sa epekto ng naturang sama ng panahon.
Wala namang patid ang pag-papaabot ng ahensya ng kaukulang tulong partikular na ng mga relief efforts sa mga pamilyang apektado.
Tinatayang aabot na sa P3.6-million na kabuuang halaga ng mga humanitarian assistance ang kanilang naipaabot.