Umabot na sa 130 partylist applications ang tinanggihan o hindi tinanggap ng Commission on Elections para sa 2025 Midterm Elections.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, nabigo ang mga naturang partylist na magsumite ng kumpletong requirements for eligibility para makasali sana sa nalalapit na halalan.
Aniya, hanggang 200 partylist ang inisyal na nag-apply ngunit hanggang 30 lamang ang kanilang tinanggap at binigyan ng accreditation.
Sa kasalukuyan ay mayroon pang ilang partylist na naghihintay na maresolba o madesisyunan ang kanilang inihaing motion for reconsideration.
Ayon pa kay Garcia, ang listahan ng mga eligible partylist at political party ay ipapaskil sa sarili nitong website kung saan posibleng sa susunod na linggo aniya ay makukumpleto na ang naturang listahan.
Samantala, hihilingin din ng komisyon sa bawat partylist na mag-submit ang mga ito ng tig-sampung nominees. Maliban sa sampu ay hindi na aniya tatanggap ang komisyon ng karagdagan pang mga pangalan.