GENERAL SANTOS CITY – Mas dumami pa ang bilang ng mga pasahero sa ngayon na dumaan sa General Santos City Airport.
Ito ang sinabi ni Airport Manager Joel Gavina sa panayam ng Bombo Radyo GenSan matapos naitala ang 30% hanggang 40% na pagtaas ng bilang ng mga pasahero nitong buwan ng Hulyo.
Aniya, nagsimula ang pagdagsa ng mga pasahero nang isinara ang Cotabato Airport sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao dahil sa nagpapatuloy na pagsasaayos ng runway, ilang mga pasilidad at iba pa.
Naging hamon sa ngayon ay ang passenger congestion ngunit tiniyak na kaya nila itong i-manage.
Nagdagdag naman sila ng mga personahe para mag-maintain ng mga comfort room pati mag-assist ng mga pasahero.
Kung maaalala na naging reklamo noon ng ilang pasahero ang hindi maayos na comfort room, mainit na passenger terminal building dahil sira ang mga aircon at kakulangan ng mga porters.
Pero sa ngayon ay ibinida ni Gavina na ang mga concerns na ito ay kanila ng natugunan.