-- Advertisements --
Iniulat ng Philippine Ports Authority (PPA) na naabot na ang pre-pandemic levels na pagdagsa ng mga pasahero sa Batangas Port ngayong holiday season.
Kinumpirma ni Philippine Ports Authority (PPA) general manager Jay Santiago na lumampas na sa 25,000 katao araw-araw ang bilang ng mga pasahero sa nasabing pantalan.
Kaugnay sa pagdagsa ng mga pasahero, tumaas din ng 12% hanggang 30% ang pamasahe.
Dagdag pa nito, hindi na kailangan ng paunang pag-apruba mula sa gobyerno ang pagtaas ng pamasahe dahil ang domestic shipping ay deregulated.
Ang Batangas Port ang siyang exit point ng mga magtutungo sa Visayas at Mindoro.