-- Advertisements --
Inamin ng grupo ng mga bus operators sa bansa na mas lalong dodoble pa ang bilang ng mga pasahero sa iba’t-ibang terminal sa Metro Manila na uuwi sa kanilang probinsiya.
Ayon kay Alex Yague ang executive director ng Bus Operator of the Philippines, na pinaghandaan na nila ang pagkapal ng pasahero sa kanilang mga terminal.
Base sa pinakahuling pagtaya nila na lumubo ng hanggang 30 percent ang bilang ng mga pasahero na kumuha ng advance ticket na pauwi sa kanilang probinsiya.
Hindi rin aniya nagkukulang pa ngayon ang bilang ng mga bus na babiyahe sa mga probinsiya at tiniyak nila na gagawin ang makakakaya para tugunan ang kapal ng pasahero.