-- Advertisements --
Maraming mga pasahero ngayon ang naghahabol ng kanilang flight sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dalawang araw bago ang araw ng pasko.
Dahilan ito nang mabigat na trapiko sa paligid ng naturang paliparan.
Ayon sa datos ng Manila International Airport Authority, nagkaroon ng pagtaas na 14% na bilang ng mga pasahero sa NAIA nitong Disyembre 2023 kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Mula Disyembre 1-22, 2022, 2,547,042 na pasahero ang dumaan sa NAIA terminals, kumpara sa 2,917,105 na pasaherong dumaan sa parehong panahon nitong 2023.
Noong Disyembre 22, 2023, 143,394 na manlalakbay ang umalis at dumating sa mga terminal ng NAIA.