Inaasahang tataas ng 13 percent hanggang 15 percent ang bilang ng mga pasahero sa mga paliparan, sa peak season, o sa kalagitnaan ng Disyembre hanggang sa unang bahagi ng Enero 2023.
Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) Senior Assistant General Manager Bryan Co, kasalukuyang nasa 100,000 na ang naitatalang pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kada araw.
Nakahanda naman ang kanilang hanay sa pagdagsa ng mga pasahero, at una na rin nilang tiniyak na sapat ang bilang ng kanilang mga tauhan.
Maging ang ibang ahensya aniya ng pamahalaan ay tumutulong na rin sa pagtitiyak, na magiging maayos ang sitwasyon sa paliparan.
Bukod dito, puspusan na rin aniya ang kanilang koordinasyon maging sa mga airline, upang masiguro na nasa maayos na kondisyon ng kanilang equipment, at operasyon.