-- Advertisements --

Umaabot na sa 2.2 million ang mga bumyahe sa pamamagitan ng barko nitong nakalipas na Holy Week break.

Batay sa data ng Philippine Ports Authority (PPA), 2,258,351 ang kanilang nai-record mula sa mga pantalan.

Mas mababa ito kumpara sa inaasahan sanang 2.8 million.

Gayunman, posible pang madagdagan ang mga sasakay sa barko dahil ngayong araw ay may mga bumabyahe pa at posibleng mamaya pa pumasok sa data base ng ahensya.

APRIL 12 (SATURDAY) 211,221
APRIL 13 (PALM SUNDAY) 217,389
APRIL 14 (HOLY MONDAY) 194,922
APRIL 15 (HOLY TUESDAY) 234,268
APRIL 16 (HOLY WEDNESDAY) 333,330
APRIL 17 (MAUNDY THURSDAY) 313,998
APRIL 18 (GOOD FRIDAY) 105,152
APRIL 19 (BLACK SATURDAY) 271,335
APRIL 20 (EASTER SUNDAY) 376,736