-- Advertisements --

Sumipa na sa mahigit 2.4 million na mga indibidwal ang dumagsa sa ParaƱaque Integrated Terminal Exchange o PITX batay sa datos mula December 15, 2023 hanggang January 1, 2024.

Ayon kay Kolyn Calbasa Communication Corporate Affairs Officer ng PITX, sa kabuuan umabot na sa 2,400,276 ang dumaan sa terminal patungo sa ilang bahagi ng Luzon, Southern Tagalog, Bicol Region, Visayas at Mindanao.

Dagdag pa ni Calbasa na pinakamalaking bilang na naitala na bumyahe ay noong Disyembre 23, 2023 na nasa 204,647 na mga pasahero.

Sinundan ito noong Disyembre 6 na nasa 182,983 na pasahero.

Sinabi ng pamunuan na kaninang alas 3 ng umaga ay umabot sa 113,085 na pasaherong dumating.

Ang pagbilang ng mga pasahero sa kabuuan ng holiday season ay hanggang bukas Enero 3.

Inaasahan naman ng PITX na madadagdagan pa ang bilang ng mga pasahero matapos magdiwang ng Pasko at Bagong taon sa mga lalawigan.