-- Advertisements --
Pumalo na sa mahigit 2.27 million na mga Pilipino ang walang trabaho ngayong buwan ng Hulyo ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority.
Ito ay mababa kung ikukumpara sa dating bilang na umabot sa 2.33 million noong buwan ng Hunyo.
Katumbas ito ng kabuuang 4.8% na unemployment rate sa buong bansa.
Una ng sinabi ni National Statistician Dennis Mapa, ito ay dulot pa rin ng nagdaang mga bagyo sa ating bansa.
Samantala, bumaba rin ang bilang ng mga naitalang Pilipino na may trabaho sa Pilipinas.
Mula sa 48.06 milyon noong April 2023 ngayon ay bumaba ito sa 44.63 million para sa buwan ng Hulyo.