Hindi bababa sa 37% adult Filipino ang nagsabing gumanda ang kalidad ng kanilang buhay kumpara noong nakalipas na taon.
Ito ay batay sa datos ng ikatlong survey na isinagawa ng Social Weather Stations.
Aabot rin sa 24% ng mga Pilipino ang nagsabing sa halip na bumiti ang kalagayan ng kanilang buhay ay lumala pa ito ngayong taon.
Pareho naman ang bilang ng mga Filipino adults na nagsabing hindi nagbago ang kalidad ng kanilang pamumuhay.
Ayon sa SWS, na ang “Net Gainer score” ay aabot sa +13.
Nakakuha naman ang Balance Luzon ng pinakamataas na Net Gainer score na “excellent” +22.
Sinusundan ito ng Mindanao na “very high” +13, Metro Manila “high” +6 at Visayas fair -2.
Ayon sa SWS, ang dalawang puntos na pagbaba sa nationwide Net Gainer score sa pagitan ng June 2024 at September 2024 ay dahil sa pagbaba sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas at ang pagtaas naman Mindanao.
Pumapalo naman sa 22.9% ng mag pamilyang Pilipino sa bansa ang patuloy na nakararanas ng pagkagutom batay sa datos ng SWS.