-- Advertisements --
Tumaas pa sa 50% ang bilang ng mga Pilipinong nag-aaral sa Canada noong 2023.
Ito ay katumbas ng halos 49,000 Pilipinong may hawak ng Canadian study permits noong nakalipas na taon.
Bunsod nito, ang Pilipinas na ngayon ang pangatlong pinakamataas na populasyon ng banyagang estudyante sa Canada noong 2023.
Pangalawa naman ang China na mayroong 102,000 Chinese student sa Canada at India na mayroong 427,000 base sa nakolektang datos ng ApplyBoard, isang technology platform na nakabase sa Canada.
Noong 2022, aabot naman sa 24,000 Pilipino ang mayroong permits na mag-aral sa Canada, 13,000 naman noong 2021 at 5,000 noong 2019.