-- Advertisements --
Umaabot sa 12,000 ang bilang ng mga Pilipinong nasasawi dahil sa aksidente sa kalsada kada taon.
Ito ang iniulat ni Department of Health spokesperson Albert Domingo kasabay ng paggunita sa Road Safety Month.
Ayon sa DOH official, ang mga nasasawi ay nasasagasaan sa pagtawid sa kalsada, ang mga nagmamaneho ng motorsiklo na naaksidente at ang mga sumasakay sa tricycle.
Sinabi din ng opisyal na ang namamatay sa road traffic sa bansa ay tumaas mula sa 7,938 noong 2011 hanggang 11,096 kung saan 84% dito ay mga kalalakihan.
Samantala, ang road traffic injuries ay ika-8 sa pangunahing dahilan ng pagkamatay sa buong bansa.
Kaugnay nito, pinayuhan ng DOH ang publiko na maglakad na lamang sa halip na sumakay kung malapit lang ang destinasyon.