Nakapagtala ng pagbaba sa bilang ng mga Pilipinong walang trabaho ang Philippine Statistics Authority nitong buwan ng Pebrero.
Ayon kay PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, bumaba pa sa 1.80 million ang bilang ng mga jobless Filipinos sa bansa na may edad na 15 taong gulang mula sa 2.15 million na una nang naitala noong buwan ng Enero.
Ito na aniya ang pinakamalalang bilang ng unemployed individuals na naitala ng ahensya mula noong Disyembre 2023 kung kalian nakapagtala ang mga kinauukulan ng nasa 1.60 million na mga Pilipinong walang trabaho.
Mas mababang rin ito kumpara sa 2.47 million jobless individuals na naitala noong Pebrero ng nakalipas na taong 2023.
Samantala, sa kabilang banda naman ay iniulat din ng PSA na nakapagtala ito ng pagtaas sa bilang ng employment rate sa bansa sa kaparehong buwan na umabot na sa 48.95 million mula sa 45.94 million na naitala naman noong Enero 2024.