-- Advertisements --

Bumba sa 2.87 million ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa bansa noong buwan ng Marso ng kasalukuyang taon dahilan para bumaba sa lowest level nito ang unemployment rate mula ng magkaroon ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa ulat mula kay Philippine Statistics Authority (PSA) chief and National Statistician Claire Dennis Mapa, ang naturang bilang ng mga unemployed adults edad 15 pataas noong Marso ay nagpapakita ng 5.8% unemployment rate.

Ang unemployment rate na ito noong Marso ay pinakamababa simula ng mag-peak ang COVID-19 pandemic lockdowns noong Abril 2020 kung saan ang all-time high unemployment rate ay nasa 17.6% o katumbas ng 7.3 million Pilipino na wlaang trabaho.

Mas mababa ito sa 3.13 million jobeless adults na naitala noong pebrero na nagpapakita ng unemployment rate na 6.4%.