Tumaas sa 2 million ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong buwan ng Marso ng kasalukuyang taon ayon sa Philippine Statistic Authority (PSA).
Ito ay 3.5% na mas mataas kumpara sa naitala noong Pebrero 2024 na nasa 1.80 million Pilipino na walang trabaho.
Nagresulta ito sa 3.9% na unemployment rate.
Bumaba naman ito ng 4.7% sa kaparehong buwan noong nakalipas na taon o katumbas ng 2.42 million Pilipino.
Samantala, ang bilang naman ng mga Pilipinong may trabaho noong Marso 2024 ay nasa 49.15 million. Nagresulta ito sa employment rate na 96.1%.
Bahagyang mas mataas ito kumpara sa naitala noong Pebrero na nasa 48.95 million Pilipino na walang trabaho.
Paliwanag ni PSA USec. at National Statistician Claire Dennis Mapa, isa sa malaking naapektuhan pagdating sa employment ay ang sektor ng agrikultura dahil sa epekto na rin ng mainit na panahon na sinabayan ng El Nino phenomenon.