-- Advertisements --

Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong Nobiyembre 2024.

Base sa labor force survey noong Nobiyembre 2024, iniulat ni Philippine Statistics Authority (PSA) chief USec. Dennis Mapa na mula sa 1.97 milyong Pilipino na walang trabaho noong Oktubre 2024, nabawasan ito ng 303,000 dahilan kayat bumaba sa 1.66 million Pilipino ang walang trabaho noong Nobiyembre 2024.

Mas mababa rin ito pagdating sa year-on-year, kung ikukumpara noong Nobiyembre ng nakalipas na taon na nasa 1.83 milyong walang trabaho.

Ipinaliwanag ng PSA chief na ang pangunahing nag-ambag sa mas mababang unemployment rate sa nasabing period ay dahil sa pagtaas ng demand noong nakalipas na ber months patungong holiday season.

Pagdating naman sa employment rate noong Nobiyembre ay tumaas sa 96.8% o 49.54 million Pilipino ang may trabaho mula sa naitala noong Oktubre 2024 na 96.1% o 48.16 million Pilipino.

Tinukoy naman ng PSA chief ang mga sector o industriya na nakitaan ng pagtaas sa employment sa huling kwarter ng 2024 gaya ng manufacturing at accommodation at food service activities.

Pagdating naman sa underemployed o nagtratrabaho sa mga hindi akma sa kaniyang kasanayan o napag-aralan ay bumaba din mula sa 16.08 million Pilipinong underemployed noong Oct. 2024 sa 5.35 million Pilipinong underemployed noong Nov. 2024.