-- Advertisements --

Bumaba sa 1.94 million ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong Pebrero ng kasalukuyang taon.

Nabawasan ito ng 228,000 mula sa 2.16 milyong walang trabahong Pilipino noong Enero 2025.

Ito ay may katumbas na unemployment rate na 3.8%, mas mababa kumpara sa 4.3% noong Enero. Nagpapakita ito na 38 mula sa 1,000 indibidwal ay walang trabaho noong Pebrero.

Base sa bagong Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA), ipinaliwanag ni PSA chief USec. Dennis Mapa bumaba ang bilang ng mga walang trabaho dahil sa mga trabahong may kinalaman sa halalan at mga aktibidad bunsod ng mainit na panahon.