-- Advertisements --
Mayroong bagong 23 kaso ng mga Filipino na nasa ibang bansa ang nadapuan ng COVID-19.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa ngayon ay mayroon ng kabuuang 14,556 ang naitalang bilang ng mga Filipino na nasa ibang bansa na nadapuan ng virus.
Sa nasabing bilang ay mayroong 9,155 na ang gumaling at 977 na ang nasawi.
Nanatili pa rin ang Asia Pacific region ang nangunguna sa bilang ng mga Filipino na nadapuan ng nasabing virus.