-- Advertisements --

Tumaas ang bilang ng mga Filipino na nagsabing sila ay mahirap.

Ito ang ang lumabas sa survey na isinagawa ng Social Weather Station (SWS) kung saan 49 porsiyento ng mga Filipino ang nagsabing mahirap sila.

Isinagawa ang face-to-face survey mula Abril 28 hanggang Mayo 2.

Sa nasabing survey mayroong 33 porsyento ang nasa bordeline poor o hindi gaanong mahirap habang 17 percent lamang ito ang nagsabing hindi sila mahirap.

Ang nasabing survey ay mas mataas lamang sa isinagawa noong nakaraang survey na isinagawa mula Nobyembre 2020 na mayroong 48 porsyento ang nagsabing sila ay mahirap habang 36 percent naman ang nagsabing sila ay nasa borderline poor at 16 percent lamang ang nagsabing hindi sila mahirap.

Tinanong SWS ang nasa 1,200 adult Filipinos sa National Capital Region, Luzon, Visayas at Mindanao.