-- Advertisements --

Mas dumami pang mga adult Filipinos ang gustong magpaturok ng booster COVID-19 vaccines.

Ito ang lumabas sa pinakahuling survey ng Social Weather Station.

Base sa survey na sa 1,440 adults 80 percent sa mga dito ang pumayag na magpaturok ng booster shots.

Isinagawa ang face-to-face interviews mula Disyembre 12 hanggang 16.

Mayroong pitong percent naman ang nagsabi na hindi sila pumapayag na magpaturok ng booster vaccines.

Lumabas sa survey na marami ang bilang ng mga Filipino na nais magpaturok ng COVID-19 vaccines kung saan nanguna ang Luzon na mayroong 82 percent na sinundan ng Metro Manila na mayroong 81 percent habang 78 percent sa Visayas at sa Mindanao din.